Ang muling pagdalaw..

•September 22, 2011 • Leave a Comment

Bigla ko lang na-miss ang wordpress account ko kaya nag-decide akong dumalaw dito. Natuwa naman ako kasi kabisado ko pa ang username at password. Hurray! May sakit kasi akong kalimot kaya hindi ko na rin nabubuksan yun ibang account ko gaya ng Myspace at yun isa kong yahoo account na gamit ko sa facebook.

Sarap sa pakiramdam na nadalaw ko ulit ang wordpress account ko. 🙂

Ang Pagdalaw..

•February 2, 2011 • Leave a Comment

Kumusta kayo? Ngayon na lang ulit ako nakadalaw dito at ito na rin ata ang huli. Hindi naman siguro. Baka huling post, oo. Hindi na ako masyadong updated dito. As in hindi na talaga. Mas updated ako sa Tumblr ngayon kesa dito at kesa sa Facebook account ko. Kung intersado kayong dalawin ang Tumblr account ko, PINDUTIN ITO.

Hindi ko naman syempre makakalimutan ang mga pinagsamahan natin dito. Ang drama ko. Hihi.

Miss ko kayo!

BEFORE URBANDUB ROCKED!

•June 4, 2010 • Leave a Comment

Behind the scenes, interviews and preparations for the big celebration.

Thanks to NoisyNoypi kahit hindi ako nagpaalam na ire-repost ko ito. Sorry. Thank you!

MORE YEARS TO COME URBANDUB!

SONIC BOOM ANNIVERSARY

•June 2, 2010 • Leave a Comment

the much awaited..

EXCITED! ^^

up-close with TANYA MARKOVA!

•May 28, 2010 • 2 Comments

Ang hindi expected na mapupuntahan ko. Bukod sa takas lang ako, malayo ang venue [first time ko sa Mckinley Hill] at wala akong kasama. Lowbat din ang globe cellphone ko at umuulan pa. Hindi ko dala ang digicam at cd ko dahil sobrang unexpected nga. Late na nag-start ang JamFest dahil sa ulan. Pagdating pa lang nakita ko na si Kuya Eds [kuya nga ba? hehe] pero hindi niya ko kilala.. Haha. Tinapik ko na lang si Kuya Heart [kuya nga din ba? hehe] at tinuro niya sa akin ang kinaroroonan ng Lycans. Nagsimula na ang lahat.

lycans with mowmow

with Iwa Motors
perstaym.

mowmow aka boy bakat

backstage with Lycans
[ispatan ang markovans]

Ang saya ng gabi at inabot na ako ng madaling araw. Ang paalam ko na uuwi na pagtapos ni Tanya, hindi nasunod. Syempre, nilubos ko na. Present din kasi ang Urbandub, Hilera at Franco. Isama pa ang Sugarfree.

Salamat sa lahat ng nakasama, naka-bonding at bagong nakilala.
Tanya! Mahal na kita!

COHEED AND CAMBRIA LIVE!

•May 23, 2010 • Leave a Comment

I’m so excited!
May ticket na rin kami [deaf, of course]


isang astig at unforgettable moment na naman ito!
^^

the art of applying..

•May 18, 2010 • Leave a Comment

Nag-umpisa na naman akong maghanap ng hanapbuhay kanina. Maaga ang plano kong pag-alis pero syempre, tanghali na ulit ako nagising. Lunch break nung dumating ako sa destinasyon somewhere in Ortigas pero inasikaso pa rin naman ako. Ang mga tao naka-formal. Ako? parang a-attend lang ng gig. May bago ba dun? Pinabalik ako ng alas-dos para sa exam kaya nagpunta muna ako megamall. Pagkatapos ko kumain at magdesisyon na bumalik, naglibot muna ko. Nang wala ng magawa, naglakad na ako sa ilalim ng init ni haring araw. Saktong alas-dos naman kami pinag-exam. Pagkatapos, ang sakit ng ulo ko. Napiga ata dahil sa English at math exam nila. Nag-take din ng typing test at naka-46wpm. Maghintay daw ulit para sa interview dahil nakapasa daw ako sa buwis buhay nilang exam.

Alas-singko na ata nung na-interview ako. Hindi naman masyadong nosebleed dahil hindi rin ganun kahusay mag-english ang interviewer ko. Hulaan niyo na lang kung bakit. Haha. Sandali lang yun interview pero nalaman ko yun resulta alas-sais y medya na. nakapasa daw ako at bumalik ako sa biyernes. Hindi ko alam kung para saan dahil wala ring idea yun nagsabi sakin. haha. Ang sabi lang daw sa kanya nun nag-interview sakin nakapasa ako at bumalik sa biyernes. Talagang inulit lang niya. Haha

Ang mga natuklasan ko ngayong araw na ito:

–      kahit maaga ka pa mag-apply, buong araw ka parin maghihintay. Yun kasabay ko kahapon, 9am palang andun na pero sabay alng kami natapos. Tanghali na ko nagpunta.

–      Kinakalawang na ang math ko. Inabot ako ng 20min para sagutin ang tanong na ‘‘what is 5% of 50?’’. Haha

–      kung gusto mo na marami kang ma-applyan sa loob ng isang araw, wag mo seryosohin ang exam at interview. Sa industriyang ito, hindi uso ang “just wait for our call. Don’t call us we’ll be the one to call you.” Dito, malalaman mo kagad kung ano ang hatol sa’yo. Aabutan ka ng condolence letter at nakalagay dun “thank you”.

–      kung gusto mo talaga ng ibang klaseng lamig, mag-apply ka sa mga call center company. Mangingisay ka sa lamig kasi sasabayan yun nerbyos mo ng sobrang lakas ng aircon nila.